mga kababayan. isang magandang bati sa inyong lahat,
nakakagulat isiping ang dami palang pinoy sito sa pshic. ang saya. kahit medyo nakakadugo rin ang pagsasalita ng deretsong tagalog pero masaya parin. hindi na kelangan mag isip pa. astig.
mga kababayan. kailangan ba deretsong tagalog lang at bawal ang ibang lenggwahe. parang maganda kung ganun nga. ako po'y nagbibiro lang.
MABUHAY ANG PINAY! MABUHAY ANG PILIPINAS.
nakalimutan kong magpasalamat.
ate shrlykim salamat
nessiebechan ang iyo bang tinutukoy ay ang daisy syete? ako ma'y naasar dun. kapareho talaga ito ng plot ng yab may konti lang pinagkaiba pero halata mong dun kinuha ang konsepto.
pahabol na salita. pag gantong kalalim ang salita parang matanda na ang nagsasalita parang panahon ng hapon hehe.