magandang umaga sa inyong lahat, ako nga pala si July (nickname only). Pasensya na kung ngayon lang ako nag-pose dito. Nagulat ako ng mabasa kong pinoy pala si Vira at Earthprincess na kausap ko sa 8790. Wow!!! ang galing nyo, mabuhay kayo!!! bilib na talaga ako sa Pinoy!!!
Medyo nahihirapan din akong magtagalog at mag-type, grabe!!!!!
Yung tungkol sa pagpapalabas ng YB sa Pinas, kahit saang istasyon ay k lang, basta ipalabas na!! Naiinis kasi ako sa tagalog version sa Daisyete. Super OA!!! feeling ko, pina-panget nila yung karakter ni SH ( kadami naman ng artista sa Pinas bakit yun pang umarte ) At talagang hindi ko type yung palabas, aksidente lang yung nangyari napanood ko sa bus. Talaga naman, hindi maikukumpara sa galing si SH at ang lahat ng artistang umarte sa YB.
At isang maitanong ko lang, bakit dito sa atin walang mga kagaya nila? We are rated as talented people in the world and yet wala tayong kagaya nila bakit? At bakit mas maraming gwapo, maganda, talented (singing,dancing,acting etc.) sa kanila?
Hindi bale, bago na ang panlasa ko pagdating sa drama pagkatapos kong panoorin yung YB. Isang matinding paghamon ito sa mga writters natin, na makuhang muli ang aking interes pagdating sa drama. Mas lalong mahihirapan and Showbiz industry natin na kunin ang interes ko para hangaan ang mga up-coming artist nila, kailangan nilang lampasan ang galing ni SH at JS sa pag-arte ( hindi sa nililiit ko ang mga artista natin, kailangan lang nilang matutunan ang salitang "professional" para maintindihan nila kung anong klase trabaho ang pinasok nila at makakuha ng "respeto" sa mga magigiliw nilang "fans", hindi sila titingalain dahil sa ganda ng mukha nila kundi sa galing nilang umarte.)
Pasensy na, naiinis lang ako sa tagalog version ng YB!!! (nung pinalabas sa Bus, bumaba talaga ako ng bus, as in.......)
keber?? Inaano nila yung paboritong kong palabas!!