Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: [PH] Mga Kababayan!!!!

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14306

  • lycille
  • lycille's Avatar
  • OFFLINE
  • Expert Star
  • geunshin forever
  • Posts: 368
  • Thank you received: 525
Kamusta na kayo mga mahal kong kababayan?

hahaha... sa wakas may sarili na tayong lugar para sa ating talakayan... Naku naman ang hirap talagang mag purong "tagalog".

O sya,! ako nga po pala si lycille, tubong malabon at ang aking Probinsya ay ISABELA...

Grabe nagayuma talaga ako ng YB... Halos gabi gabi inuulit-ulit kong panoorin na pati ang ATE ko sobrang naririndi na sa akinnnnnn..... hahaha " RELAKS KA LANG DYAN, ATE." hehehehe, pero nang hindi na sya makatiis, at nakiaayon na lang sa aking panonoood, aba't sya pa ang humihiling ngayon na maghanap pa ako ng mga "kiligs eksena nila" hahaha, talaga nga naman!!!

Ang lakas talaga ng "mikrobyo" ng YB, ang bilis kumalat at pag nasa sistema muna ang hirap ng lunasan... Pero sino ba ang aangal? kung ang "mikrobyong" eto ang syang nagpapaganda at nagpapakulay ng ating mga BUHAY.. di ba?!!!



o sya... Sana nga magkaroon tayo ng kitakits... IMBITAHAN nyo po ako ha!!!!


Maraming Salamat po
The most effective comeback to an insult is SILENCE :)
The administrator has disabled public write access.
 

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14324

Magandang araw lycille! Masaya kaming makasama ka dito sa PSHIC.
Natutuwa ako sa ate mo, pasalihin mo rin sya dito! Dali, bilisan mo!!

At oo, magandang mikrobyo and YAB, para bang Yakult- probiotic! Haha!

Sige hanggang sa muli Lycille!
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14425

  • lycille
  • lycille's Avatar
  • OFFLINE
  • Expert Star
  • geunshin forever
  • Posts: 368
  • Thank you received: 525
Maraming Salamat sa pagbati sa akin Bb. Karma, at sa mga kababayan kong Mahal. Andito na po ulit ako " lycille" ang ngalan ko...

hahaha....

Naku gustuhin ko mang pasalihin ang ate ko at nang hindi na ako ang kinukulit sa paghahanap ng mga "kilig balita mula sa mga sinisinta nating bituin" eh katamad naman na magkompyuter...Ewan ko ba, mas gusto nya daw kasi na ako ang magkwento...Sa kadahilanang mas nakakatuwa daw ang aking mga reaksyon.., lalo na sa mga nakakakilig na balita sa dalawa...


Tayo ba ay magkakaroon ng "munting PIGING"? Sana naman sa lalo't madaling panahon at nang lumawak pa ang ating pagkakakilanlan...

Ako'y nasasabik na kayong lahat ay masilayan...

Hanggang sa muli....

oo nga po pala, maaari ba tayo magpalitan ng numero ng selpon?

kung ok lang po sa inyo, i-PM nyo na lang po....


Maraming salamat po....
The most effective comeback to an insult is SILENCE :)
The administrator has disabled public write access.
 

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14434

  • bianne ong
  • bianne ong's Avatar
  • OFFLINE
  • Gold Star
  • Posts: 872
  • Thank you received: 5
Lycille!!! Taga-saan ka sa Isabela? Cauayan-baby ako e. Haha! Ang liit ng mundo, parang dito pa tayo nagkita... Naku, baka mamaya kilala ko pala ang ate mo. At ikaw rin. :) Kung sakali pala pwede tayong magkitakita para lang mag-usap ng kakikiligan.

Meli!!! Pakopya ako ng picture ha? :) Gusto ko na siyang i-post sa FB ko, sa sobrang inip. Haaayyy.

(= I admit I fell in love twice - the first time was with you, the second was with the person you became when you were finally mine. =)
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14435

  • lycille
  • lycille's Avatar
  • OFFLINE
  • Expert Star
  • geunshin forever
  • Posts: 368
  • Thank you received: 525
paumanhin po... Bb earthprincess (hehehe karma tuloy nailagay ko) maraming salamat po sa inyong malugod na pagtanggap sa akin....


Sana po ay maging magkaibigan tayong lahat dito....


eto po ang aking numero

09228817254
The most effective comeback to an insult is SILENCE :)
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14524

  • piggymori
  • piggymori's Avatar
  • OFFLINE
  • Junior Star
  • Posts: 58
  • Thank you received: 7
HUWAW! Unang beses ko maglagay ng mensahe dito. ^^

Nakakaaliw! Hehe. Andami pala nating Pinoy dito. :)

Ako gusto ko talaga ABS-CBN ang makakuha ng YB, at mabuti sila talaga! Yehey!

Oo nga pala, mga kababayan, kung nais niyong tayo ay magsama-sama minsan, aba'y tara na!

Nais ko rin kayo makilala. ^^
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14525

oi..kamusta mga kababayan!..
damu dn pala d2ng fan na pinoy n park shin hye!..
share ko lg pala mga kababayan..
nakita ko na xa sa personal..
as in!
ang ganda nya at cute!..
parang d ako maka-hinga..hahaa
sumigaw ako ng gominam!
pero ang nakakalungkot..
d ako narinig..
ang ingay kac dun sa JIFF!..lol
pero ok lg..atleast nakita ko xa d ba?
oh cia..
update ko na lg kayu..kg makita ko xa ulit..lol

-kababayan from korea^^
anyeong.^^
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14527

  • vira65
  • vira65's Avatar
  • OFFLINE
  • Junior Star
  • Posts: 69
galing!!!

kakasuya ka naman!!! swerte mo! bahala di ka narinig basta nakitili ka rin dun! and saya siguro ano? matagal ka na ba dyan gominamlazl16? gusto lang kasing malaman kung gano kasikat si Shin Hye natin dyan sa Korea. me idea ka ba?

oo nga ang dami nating noypi dito. welcome gominamlazl16! pakilala ka rin dun sa new members forum/thread ha? para mas masaya! kakaintindi ka ba ng salita nila, ng hangul? double swerte mo kung nakakaintindi ka!!! pano ka nag umpisa magkagusto sa YB gominamlazl16?
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14553

  • almontel
  • almontel's Avatar
  • OFFLINE
  • Moderator
  • Posts: 2106
  • Thank you received: 4049
wow, buti ka pa, gominanlazl16, how exciting...nakita mo in person si ShinHyessiiiiiiiiii....
dapat pala nagdala ka ng megaphone para nadinig ang sigaw mo! ha ha ha...

girls...i just read that He's Beautiful will be shown in June 2010 in primetime replacing Tanging yaman...
here's the link: en.wikipedia.org/wiki/List_of_programs_broadcast_by_ABS-CBN

i hope it's true...why do they keep atras ng atras ang date??? hay naku!!! ano ba yan...oooppppsss.... medyo nagaya ko yata ang sigaw ng SuJu sa concert nila na nakita kong pinost ni Katy ng magpunta siya sa Araneta...sensya na...

o sige, sa susunod na kabanata...
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14568

  • bianne ong
  • bianne ong's Avatar
  • OFFLINE
  • Gold Star
  • Posts: 872
  • Thank you received: 5
Gominam!!! Wow, really? Buti nakita mo na siya. Oo nga ang ganda niya. Lalo siguro sa personal. Haaay... By the way, nagwo-work ka sa Korea? Nakakatuwa naman first post mo dito sa Pinoy thread. Pakilala ka rin sa new members thread. :)

Mama Al, oh no!! Talaga, Tanging Yaman ang irereplace niya? Ang lungkot naman! Mashadong maganda ang YB para sa timeslot ng Tanging Yaman. No offense sa Tanging Yaman, pero walang mashadong nanood sa timeslot na yan. Naalala ko nung galing sa primetime after the news ang Boys over Flowers, ang dami ring nagreact nung nilagay siya sa primetime, before the news na timeslot. Haaaay, ang rating, hindi kasing ganda kung niretain nila dun sa unang timeslot. Haaayyy... Yun lang ang masabi ko, haaay.

(= I admit I fell in love twice - the first time was with you, the second was with the person you became when you were finally mine. =)
The administrator has disabled public write access.
Moderators: Mandy, Laurabianca
Time to create page: 0.148 seconds