Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: [PH] Mga Kababayan!!!!

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #13793

  • chocolate_07
  • chocolate_07's Avatar
  • OFFLINE
  • Junior Star
  • Posts: 133
  • Thank you received: 11
almontel wrote:
hello, girls!!! kumusta na? i haven't been by on this thread, sorry, medyo mabagal akong magbasa kapag tagalog, even typing this is hard..but i said, kaya ko to!
so heto ako, nagtatype sa tagalog. pasensya na...kung mabasa to ng baby ko, tatawa yon at me...

anyways, i've been asking that same question, kelan ipapalabas ang YB sa ABS? last i heard it was going to replace the S show or something, na ipinapalabas ng primetime...so okey na yon, kung primetime, mas marami ang makaka panood...
ang wish ko lang sana ma invite ang ANJELLs ng ABS...biased ako sa ABS coz that's what i have in my TFC(the filipino channel) hindi ko gusto ang GMA lalo pa at ginaya nila ang concept ng YB! di ba nakakainis iyon?

at kung ma invite sina GS and SH, sana si Kris ang mag interview, mas sure ako na matanong niya ang tungkol sa lovelife nilang dalawa and i'm sure, alam niya kung gaano ka famous ang YB sa internet, mas natalo nito ang IRIS sa netizens...di ba?

OK, i'm getting ready to watch NBA right now...go spurs! (sorry out of topic) ha h aha...

wow :woohoo: kumusta mama AL
natu2wa naman ako mabasa ang post mo... naaala ko pa nung tinanong kita kung marunong ka magtagalog haha at eto ka na nga
wala lang Mama AL namiss lang kita... i miss talking to u sa PM.... ;)

tungkol naman sa YB badtrip talaga yung sa Daisy Siete gaya gaya kc..... at kung kelan ipapalabas ang YB dito sa Pinas sa tingin ko isasabay pa cya sa pagdating ni GS dito pra ipromote mismo ang YB kung di pa cya maipapalabas sa May...
Last Edit: 15 years 8 months ago by chocolate_07.
The administrator has disabled public write access.
 

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #13795

may network war din dito? hehe!! tatakbo na ako kasi parang maraming kapamilya eh, lugi ako. ;) pero love ko pa rin kayo lahat!!!

di rin naman ako fan ng DS at hindi ko rin napapanood ang tinutukoy nyong episode so wala rin akong say dyan.

basta ako masaya lang sa kung saan station maayos na maipapalabas ang programa ng dalawa nating kaibigan.

at masaya rin ako na maging kaibigan kayong lahat!!

kaway kaway!! beso beso!!
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #13801

  • jamerei
  • jamerei's Avatar
  • OFFLINE
  • New Star
  • Posts: 39
  • Thank you received: 1
earthprincess pinoy ka din?

ako kahit saan ipapalabas ang YB okey lang,basta wag lang papapangitin ang boses ng apat na bida.yun nga
lang pag GMA imposible na mapapunta nila si JKS sa atin,di gaya sa abs napaparating nila mga mga korean or
taiwan stars.parang panget tingnan na pinapalabas ang YB sa GMA then ang abs papupuntahin si JKS.

ms almontel .yung fan videos mo na " GOODBYE" sa youtube dinelete no?hindi mo
ba uli i-a-upload?peyboreyt ko pa naman yung fan vid mo
The administrator has disabled public write access.
 

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #13808

  • vira65
  • vira65's Avatar
  • OFFLINE
  • Junior Star
  • Posts: 69
ano ba yan?!?!?!?!?!?! maize kung tutuo yan na nabili na ng GMA ang SBS shows, grrrrrr.... inis talaga ako sa SBS! lugi talaga ang YB sa SBS na yan!

sa tutoo lang di na talaga ako nanunood ng mga tv drama natin, kahit Korean tumigil na sana ako kung di lang sa YB, kasi tumataas ang presyon ko sa dami ng mga pinapapatay, napapatay(sakto ba ni?), nakikidnap, nasasampal, nagkaka-cancer, nawawalan ng nanay, tatay, anak, lola, lolo, tiya, tiyo, pinsa, kapitbahay at bahay, nare-rape at iba pa. (hiningal ata ako dun ah) teka rant or rave thread ba to? so hindi ako kapamilya o kapuso. pero naririnig ko ang mga pinsan ko na mas maganda nga daw mag dub ang ABS. tas gaya ng sabi ni maize dinadala nila dito sa atin ang mga artista gaya dun sa Lovers in Paris. kakasuya nga di dinala ng GMA sila rain at SHK. ang kukuripot nila magmarket ng palabas!

di sa pag mamaarte, mas gugustuhin ko pang magkadulingduling magbasa ng subtitle kesa manuod ng dubbed kasi nawawala ang emotion at ang timbre ng boses ng mga artista(eh ang boses pa naman ni sukkie eh nakakalaglag pan.. pan.. panyo! o ayan sinensor ko na ha?), pero sa kaso ng YB gusto ko mapanuod ng "sangkatauhang Pinoy" (tama ba to?) kung gano kagaling ng mga batang ere!!! at kung gano kasaya ng palabas! para naman di lang ako nang naa-adik at di makatulog sa kilig at saya dulot ng ANJells.

napaka unfair naman!!! naman! naman! naman! kung kelan minamarket na nga ng ABS-CBN ang YB. pagkapaet kuya eddie!

so pano na ngayon? san na tayo magra-rally para mapanood ng Pinas ang YB???

shrly-kim nasa Cebu kasi ako. mahirap. buti pa kayo!
Last Edit: 15 years 8 months ago by vira65. Reason: may nakalimutan na naman ako! hay bat pag bumabata nagiging absentminded?
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #13830

  • July
  • July's Avatar
  • OFFLINE
  • Senior Star
  • Posts: 261
  • Thank you received: 94
Hay Vira ang haba ng drama mo day!! me kulang pa isama mo na sa napapatay pati aso pati aso na rin ng kapitbahay. (hahaha!!)

Nakwoo!! ako ilang taon ng hindi nanonood ng Pinoy drama!!!

Lately lang ako nanood ng mga Kdrama. Pero after watching YB medyo na set yung standard ko sa drama even yung mga Kdrama na iba hindi ko na pinapanood. Kapag medyo "draggy" na yung story hindi ko na pinapanood nawawala yung interest ko.

Anyway, tama lahat ng sinabi mo ako'y sukang-suka na rin sa kadramahan dito satin. At wala pang artistang nakakuha ng interes ko period. Pareho tayo di bale nang maduling kababasa ng subtitle kahit hindi accurate basta marinig lang yung original na boses nila. Pinagpapantasyahan nga natin yung boses ni JS (yung tipong makalaglag pa.......pa.....panyo!! at makaikot ng br............br..................bracelet va!) kung ipapalabas man yung YB sa Pinas sana wag ng i-dub madi-dissapoint lang ako. Gusto ko rin yung voice ni YH, Jeremy at syempre ni SH. (pano pag dub na yon pag kumakanta na sila? aber? don't tell me tatagalugin nila yung kanta. Oh.................no............no..........................please!!!!!! Just kill me!!!!!)

Grabe!!!! mahirap pala tayong magsama, lumalabas ang kerengkeng kong side (heheheheeh)

Shrylkim k lang basta wag beginning of may baka nasa China pa ko. kaya sinasamantala ko mag-comment ng mag-comment kasi one week din akong mawawala. Mami-miss ko tong site na to pati na yung mga loka-lokang mga kausap ko (joke only!!) love you guys!!
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #13835

  • eiram888
  • eiram888's Avatar
  • OFFLINE
  • Senior Star
  • Posts: 156
  • Thank you received: 14
grabe sumakit ang tiyan ko sa kakatawa sa comment nyo ate vira at july..hahaha
totoong totoo talaga na puro na lang krimen at kung ano anong kasamaan na lang
ang makikita sa mga drama dito satin. ako nga din matagal ng hndi nanonood ng palabas
dito.naiinis lang kasi ako kaya khit malabo na ang mata ko sa kakabasa ng subtitle go pa rin.

at kahit minsan wala pa akong nagustuhang artista dito satin.parang ang aarte kasi nila puro pacute
lang..hehe..

sayang naman hindi siguro ako makakapunta sa get-together nyo kasi pupunta akong ibang bansa.
next time na lang..siguro ang saya nun..naiimagine ko na ung mga tawanan at witty talks nyo
about kina KS & SH
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #13852

  • ishtargoddess
  • ishtargoddess's Avatar
  • OFFLINE
  • Junior Star
  • Posts: 98
  • Thank you received: 10
ShrlyKim wrote:
Hello!! Kamusta kamusta! magandang lunes sa lahat...

hay, yang DS e nde ko napapanood.. ksi nde ko naaabutan.. pero buti na lang at ng nde ako maasar at bumaba pa ng bus.. hehe

nga pala, if ever magka mini-assembly.. gusto nyo ba?
para lang magkita ktia na tau.. :)
plan sana is around May, ano sa tingin nyo?

gusto sana naming malaman gaano karami ang pede para ma plano natin ng husto :)

o cia.. trabaho muna :)

Shrly, sali ako sa kitaan! around May is okay for me. Yay! Sa wakas makikita ko na rin kayo.

Sa ngayon kasi, si Maize (bianne ong) pa lang ang nakikita ko sa personal. Sana matuloy ang mini-assembly na ito.
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #13874

  • juhichi
  • juhichi's Avatar
  • OFFLINE
  • Senior Star
  • PARK SHIN HYE jjang!
  • Posts: 182
july hindi naman po pinoy version ng yab yung deisisyete (at kahit pano pa sya iespell) gaya gaya lang yun e. tama ka ang dami namang talent ng pinoy may magagaling na writer pero kundi gaya sa korean or american show. puro adaptation ang ginagawa ako din madalang na kong manuod ng pinoy teledrama halos three years na kong puro jdorama or kdrama pinapanood online. kung manuod man ako. naaasar lang ako kasi lagi yung bida may pag ka tanga hehe. naglalabas na ko ng galit dito.^^


dun sa mini assembly kumporme po. pag pinayagan ng magulang opo. pero malamang po hindi pero subukan ko na lang. :))) pero sana matuloy yung mini assembly upload kayo ng maraming pictures if ever ah :))
PARK SHIN HYE jjang!
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14005

  • ketobi
  • ketobi's Avatar
  • OFFLINE
  • Junior Star
  • ShinGeun is LOVE
  • Posts: 148
  • Thank you received: 2
Hello mga mahal kong kaibigan :)
Share ko lang yung nakita kong mag kanina sa National Bookstore.
Malapit na talaga ipalabas yung YAB.
Nasa TV guide na siya :)










Sana nga malapit na siyang ipalabas.
At mas marami sanang articles ang i feature nila regading YAB :)
Last Edit: 15 years 8 months ago by ketobi.
The administrator has disabled public write access.

Re:Mga Kababayan!!!! 15 years 8 months ago #14182

  • July
  • July's Avatar
  • OFFLINE
  • Senior Star
  • Posts: 261
  • Thank you received: 94
magandang tanghali sa inyong lahat.

maraming salamut Juhishi sa pagpapa-alala sa kin. Hindi nga pala Tagalog version yung nasa Channel 7

Naalala ko nga pala na sinabi ni Vira kung san kami magra-rally. Suggestion ko sa Edsa. Mag-rally tayo don para makunan ng ABS at GMA pati na rin PTV at QTV at pag nakatutok na sa tin lahat ng kamera, sumayaw tayo ng "sexy back" tulad ni JS. Ano sa tingin mo? ( pasensy na po, wala lang magawa!!)

Nabasa nyo ba yun Mook interview? Ka-loka to the max!!! Nagkaka-inlovan na yung dalawa ayaw pang umamin. Kinikilig tuloy ako!!!!
The administrator has disabled public write access.
Moderators: Mandy, Laurabianca
Time to create page: 0.121 seconds